Wednesday, October 15, 2014

Gadgets

             Sa panahon ngayon , marami na ang nagsusupultan ng mga teknolohiya katulad ng mga cellphone , iPod , laptop , tablet at iba pang mga gadgets. Minsan excited tayo sa mga  latest ng mga  android phones pero wala rin tayong pambili nito. Pero ito ba ay nakasasama o nakabubuti ?

             Marami sa atin ang naiingganyo sa mga laro ng mga cellphone o kaya sa tablet dahil sa mga  application o apps. Ito lang kasi ang nakapagsasaya , nakapaglilibang , o nakatutulong sa atin araw-araw. Kung nabo-bored kayo o nasi-stress , naglalaro tayo ng mga  games katulad ng Candy Crush Saga , Temple Run 2 , Zombie Tsunami , 2048 , Flappy Bird at iba pa. Kung mag-a-outing kayo ng mga barkada mo o kaya mag-a-out of town , aba , kunin na agad ang camera at magpicture-picture tapos i-upload o i-post sa Facebook , Twitter , at Instagram. Kung gusto mo naman makarinig ng mga  latest songs ng mga  paboritong mong singer , pumunta lang sa YouTube , sa Spotify , sa Spinnr , sa Billboard , sa iTunes o kaya i-search lang sa Google.

              Mag-ingat po tayo sa paggamit ng mga  gadgets kasi meron po itong radiation na nakakasama sa ating kalusugan lalung-lalo na sa ating baga . Huwag rin ilalapit sa inyong mga  mata baka may tiyansa na magkafatigue. Dapat limitado ang paggamit ng mga  gadgets kasi kung mag-overheat , madaling malowbat tapos magcha-charge na naman , aba , mahal pa naman ang kuryente ngayon. Huwag rin tayo magtitext sa mga  pampublikong lugar lalung-lalo na sa daan kung magtatawid kayo tapos nagtitext na hindi naman lumilingon sa kaliwa o kanan , baka mauwi lang kayo sa disgrasya. Huwag rin ilagay sa mga  bag o sa inyong bulsa ang mga  gadgets kasi baka kayo ang mabiktima ng mga  magnanakaw. Magpasalamat rin tayo sa mga CCTV o Closed-circuit Television kasi nakatutulong ito sa mga pulis kung meron krimen ang naganap at ito ang nsgsisilbing ebidensya para malutas ang kaso.

                Hindi tayo mabubuhay kung wala ang mga  makabagong teknolohiya . Pero sana bigyan po natin ng importansya ang nasa paligid natin. Huwag sana laro-laro ang ating inaatupag sa mga  gadgets , sana maglaro rin tayo ng mga Larong Pinoy katulad ng Patintero , Sepak Takraw , Tumba-lata , Piko , Siyatong at iba pa. Mas nakakabuti sa ating katawan ang mag-exercise para sumigla at malayo sa mga sakit.